Martes, Enero 1, 2013

dec.20

pumunta ako sa bahay nina patricia para dalhin ang handa namin para sa christmas party kami ay naghanda ng juice, binuhat namin ito papuntang school at pag dating namin doon ay mag sisismula na ang party kaso di ko inaasahan magiging boring ang inihanda naming party, pagkatapos ay ako si cagas, rafallo ,gabin, aquino ,badion,graniel,at si garcia, nag ambagan kami ng pera para pambili ng pagkain at kami ay pumunta sa bahay nia gallardo ang ginawa namin doon ay nag kwentuhan at kumain pagkatapos ay kami ay nanuod ng mga nakakatakot at nakakatawa sa youtube grabe sobrang tawa kami sa bahay ni gallardo kami lang ata ang maingay doon sa kanilang lugar, nagising ang ate ni gallardo at nagluto ng pagkain at pinakain kami mas nag enjoy pa ako sa pagpunta namin doon kaysa sa party ng school di namin napansin na 4:00 na at kailangan na naming umuwi habang nasa daanan kami ay nag kwekwentuhan nakauwi na tuloy ako sa bahay ay 5;00 na napagalitan pa ako pero ako ay labis na nag enjoy sa ginawa naming iyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento