Huwebes, Pebrero 28, 2013

ang mga sakristan


“ng dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng kanilang ina.

May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at ang pataw na multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid.

Nag-aalala naman si Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid. Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na ginawa niya iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil sa palo ng kura, pati ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang pera ay isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle.

Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi. Pagkasabi nito ay kinaladkad na ng sakristan si Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid. Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang matulala at balutin ng matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para tulungan at baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan. Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana.”

Read more about Buod ng Kabanata 15: Ang Mga Sakristan « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-15-ang-mga-sakristan/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&

repleksyon:
sila ay pinag bintangan lang pero wala namang prowebang nakuha pero pinarusahan parin sila ng sakristan mayor, di nakatakas si crispin pero nakatakas si basilyo at may posibilidad na napatay si crispin , dahil narinig ni basilyo ang paghina ng boses ni crispin habang pinaparusahan ng skristan mayor.

feb. 15 , 2013

sinimulan na naming gawin ung MTV namin. 
pagkagising ko 7:00 na kaya nag madali ako. pag punta ko doon ay gumawa na kami ng lyrics ng kanta . natapos namin ito ng maaga kaya maaga din kaming nakauwi pero di pa namin tapos ung MTV namin

feb. 14 2013

valentines day na!!! kaarawawan din ng tito ko

maaga akong nagising, umalis sina mama kaya nanuood nalang ako ng movie nag movie marathon ako mag isa!pagkauwi nina mama ay nag computer naman ako , pagkauwi ko naman ay ginawa ko na ung scrap book, habang nanuuod ng twobroke girls. hhahaha grabe nakakatawa

feb. 13, 2013

pagka uwian sa eskwelahan ay nag disenyo kami ng aming silid para sa darating na valentines day.lahat kami ay may kanya kanyang gawain maraming masasayang nangyari habang kami ay gumagawa noon. natapos nami ito kaso lang nagkulang ang aming pondo panggawa. dinikit na namin ang mga nagawa namin, bago kami umuwi ay nag kwentuhan mina kami. pag ka uwi ko ay sumama ako sa pinsan ko mamalenke at nakauwi naman ng maayos.

Sabado, Pebrero 16, 2013

feb 10, 2013

salamat naman wala na akong lagnat ubo at sipon nalangpero masama parin ang pakiramdam ko , medyo masaya naman ako hanggang gabe kaya nakatulog ng mahimbing.

feb. 09, 2013

oh my G!!!! ang sakit ng lalamunan ko may lagnat sipon at ubo pa ako, grabe di ako makakilos ng maayos at makapagsalita.
bad trip tong araw na to sakit ng ulo ko hanggang gabe :((

feb 08, 2013

thank god its Friday :))wala nanamang pasok bukas eh! naging maganda namaan ang nagyari saakin ngayong araw . maaga ulit ako umuwi para makagawa ng takdang aralin at matulog

feb 06,2013

may pasok nanaman , medyo inatamad pa, inaatok kase ah, pero nabuhayan nung nakipag kwentuhan na , hahaha.syempre nakinig din sa guro, naging maganda naman ang takobo ng araw ko hangganga s uwian, umuwi ako agad dahil inaantok na ako eh!! :))

feb 05, 2013

gumising ako ng maaga dahil pupunta kami ng ynares ngayon pag dating sa school ay nanduon na nag iba kong kaklase at nag antay pa kami ng iba.
naging maganda naman ang pag punta namin dun marami kaming natutunan sa pagpuna namin, maikli nga lang ang oras pero masaya.

feb 04, 2013

               pagkatapos ng eskwela ay sinimulan na namin ang paggawa ng proyekto sa filipinonaging mahirap ito at tumagal kami doon hanggang 8:00pm , nag madali pa nga kaming umuwi dahil baka mapagalitan na kami ng aming mga magulang.tinakot pa ni sarong sina sentilises at ras, ang katunayan ay umiyak pa sila .nakauwi naman kami ng maayos at masaya

Biyernes, Pebrero 8, 2013

bangkang papel


 Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
             Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
             Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...
             Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.
             Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
             Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.
             Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.
                        Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
             “Inay, umuulan, ano?”
             “Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
             “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?”
             Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao.
             Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.
             Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
             Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.
             “Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
             “Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”
             Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
             Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi masisira ng tubig.
             Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
             “Siya, matulog ka na.”
             Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
             “Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
             “Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot.
             Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.
             Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...
             At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...
             Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.
             Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
             Pupungas siyang bumangon.
             Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
             Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
             Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
             Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
             Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
             Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
             Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”
             Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
             Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y biglang natigil nang siya’y makita.
             Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
             Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
             Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
             “Bakit po? Ano po iyon?”
             Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
             Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
             “Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.”
             Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.
             Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
             Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.
             Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
             Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang.
             “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”
             Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
             “Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.”
             Samantala...
             Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
             Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
             Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...


replekson: 
maaring ang pamilya ng bata ay rebelde, dahil nakatira
 sila sa isang liblib na lugar at ang naganap na enkwento 
sa pagitan nila at ng mga sundalo.

himala

Pangarap ko'y
Makita kang
Naglalaro sa buwan

Inalay mo
Sa aking ang
Gabing walang hangganan

Hindi mahanap
Sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap na lang

Himala,
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?

Pangarap ko'y
Makita ang
Liwanag ng umaga
(From: http://www.elyrics.net)


Naglalambing
Sa iyong mga mata

Hindi mahagilap
Sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap sa buwan

Himala,
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?

Himala,
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?

feb. 03 2013

pag gising ko tinitingnan ko agad ung cellphone ko, nagulat ako nung nabasa kko ung text ng kaklase ko
nabura daw ung ginawa namin kahapon. grabe nasira noon ung araw ko tapos nagtanong pa kung uulitin namin, syempre oo la naman kaming pag pipilian eh!!

feb. 02 2013

         ngayong araw na ito ay natapos na namin ang ginagawa naming pilikula naging masaya naman nag tawanan muna bago makagawa ng isang buong pilikulakaso lang gabi na kami nakauwi nag tatakutan pa sa daan hahaha!

Sabado, Pebrero 2, 2013

feb 01 2013

pag kauwian ay dumiretsyo kami kina eloisa 
para mag shooting kaso di kami nakagawa dahil
 nagtalotalo kami at ito pa na format din ung
 memory card buti nalang nandun na sa computer
 iba naming nagawa

January 31 2013

may nag observe sa chemistry subject namin 
at tahimik kaming lahat sa unang pagkakataon
nung uwian ay pumunta kami kina necor upang
 mapag sunod sunod na namin ang lahat, 
pagkatapos ay bumalik kami ng school upang 
ipasa ang aming nagawang sip

january 30 2013

pag kauwi galing sa eskwelahan ay dumiretsyo 
na kami kina neor at gumawa ng sip nag madali
 kami at nakagawakami dahil bukas na na mnamin
 ito ipapasa . tapos ang hirap pa mag english 
gumawa kase kami ng  introduction at madami
 pang iba. dumugoutak namin doon ginabi na nga 
kami dun eh
pag uwiko ay nagpahinga ako ng kaunti at nag
 computer, nag type ako dun naka ilang oras ako 
dun 10:00 nanga ako nakauwi eh..pag dating ko 
sumakit ung ulo ko at natulog na ako.

january 29 2013

gamawa lang kami ng mga activity 
sa ibang subject kaya masaya naman
 ang araw na iyon nung uwian naman
 ay umuwi na ako at natulog.

january 28 2013

ordinary day ulit nakinig ako sa teacher
 tapos pagkauwian naman ay gumawa kami
 ng sip namin kaso palpak nanaman pang 
ilan beses na kaming pumalpak. pag uwi
 ko ay pumunta ako sa bahay ng pinsan ko 
at nakipag kwentuhan sa kanya. :DD

january 27 2013

ordinaryong araw lang ito pagkapasok sa 
school ay umuwi na ako at pumunta sa 
bahayng lola ako tapos nakipag kwentuhan
 sapinsan ko. :))))

january 26 2013

itong araw na ito ay ipinapatuloy na namin 
ang aming ginagawang movie na poyekto sa
 filipino, medyo madami naman kaming 
nagawa kaso mas madami ung tahawan at 
kwentuhan.pag uwi namin ay nag lakad kami 
pero bago ako umuwi ay pumunta muna ako
 kay necor para batiin ng happy birthday hindi
 paako pinapauwi ng tatay nya kaso baka
 pagalitan na ako ng aking ina :)))

january 25 2013

sa araw na ito ay ipinagpatuloy nanamin
 ang aming sipnaghanap kami ng pwedeng 
i-experiment kaso wala kaming nahanap
gumawa kami ng isa kaso palpak naman 
hanggang hapon na kami nakauwi kahit 
wala kaming nagawa masaya naman ang kulet
 kaseni necor kahit may sakit eh!! :))

January 24, 2013

wala namang kagalak galak na nangyari sa araw na ito pumasok lang ako sa eskwelahan at umuwi para matulog hahaha sarap ng buhay ko no.. :))

january 23, 2013

pag dating ni gallardo sa school aybinati namin sya ng happy birthday,nung uwian ay pupunta sana ako sa bahay nila kaso
 lang di ako natuloytinatamad kase ako at inaantok din. kaya 
umuwi nalang ako at natulog.

January 22, 2013

wala namang masyadong magandang nagyari 
sa araw kong ito kase pagkatapos ng eskwela 
ay umuwi na kami agad.

january 21, 2013

pumasok ako sa school at naging masaya naman .
 nakipag kwentuhan ako at nakinig din syepre. 
di agad kami umwi dahil gumawa kami ng sip na super
 tagal nanaming ginagawa 

jan. 20 2013

ngayong araw na ito ay nakatakdang manuod kami ng shindler's list .
pag dating namin doon ay nanduon na ang iba naming kaklase. si siega at si soltes ang naghanap ng cd kaso wala silang mahanap kaya naman ay nauwi nalang sa kwentuhan at paglalaro na dapat na manunuod kami. hapon na kami nakuwi at naglakad lang kami
buti nalang di ako pinagalitan pag uwi ko. :)

jan. 19, 2013

              sa araw na ito ay sinimulan na namin ang movie para sa proyekto sa filipino, ang ginawa namin ay lupa ng sariling bayan 
            kuhaan din ng card sa araw na iyonsabay kaming pumunta ng mama ko sa eskwelahan matataas naman ang nakuha kong marka , nag antay pa kami ng mga kakalase ko sa mga kagrupo namin , ang tagal nanamin doon kaso di sila dumating at napagdisisyonan nalang namin na umalis na 
           pag dating namin doon nanduon na pala ang iba at nagsimula na kami tapos nag kwentuhan at kumain din kami ng mangga nakagawa kami ng ilan pero di pa namin tapos.

himala

1. EXT. KALSADA. HAPON.

Tuluyan nang tatakpan ng buwan ang araw at magdidilim sa kalsada. Tarantang magtatakbuhan ang mga tao habang nakatingala sa langit. Isang matandang babae ang takot na takot na mapapaupo sa tabi ng kalsada at magdarasal. Kakahot ang mga aso.

MATANDANG BABAE
Diyos ko po, gunaw na yata!

Mula sa pagbabantay sa tindaha'y sisigawan ni Lucio, 33, ang babae.

LUCIO
Hindi ho, eclipse lang ho 'yan!

Walang damdamin sa mukhang pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang naglalakad. Mahigit beinte si Elsa, mallit lang, katulong sa malaking bahay. Ang lugar ay Cupang, isang baryo sa Pillpinas na mataga! na panahon ding hindi dinaratnan ng ulan, nagbibitak ang mga kalsada't natutuyo ang mga pananim.

Sa dilim ay makikita ni Elsa sina Lolo Hugo, Bella, at Pilo. Bulag si Lolo Hugo, akay akay ng pamangking si Bella. Maganda sl Bella, inosente. Si Pilo, magsasaka, ay may 25 na.

LOLO HUGO
Bakit, anong nangyayari?

BELLA
Naku, Tiyong, umuwi na tayo, natatakot ako!

PILO
(kay Bella). Ikaw kasi e, ayaw mo pa akong sagutin. Ikaw rin, baka matapos na ang mundo. Maglalakad si Elsa at makakasalu- bong si Sepa, asawa ng magsasaka.

SEPA
Elsa, nakita mo ba sina Nestoy at Intong? Nasa eskuwelahan ba?

ELSA.
Hindi ko nakita.

Maglalakad palayo si Elsa. Magpapatuloy ng paghahanap si Sepa.


2. EXT. BUROL. HAPON.

Sa dilim ay mangangapa si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin. Madadapa siya. Babangon sana pero may maririnig na bulong.

BOSES NG BABAE
Elsa.

Mapapalingon si Elsa. Parang tumahimik ang lahat, nakikinig din. Nagtatakang tatayo si Elsa. Sa loob
ng ilang sandali'y wala siyang makikita. Hahakbang siya palapit sa tuyung-tuyo't walang dahong punongkahoy sa tuktok ng burol.

Noon niya makikita ang kung anuman 'yun. Parang nauupos na kandilang mapapaluhod siya at maninigas ang katawan, tatapon ang ulo papunta sa likod habang nakatingalang parang mababakli ang leeg, hindi kumukurap ang mgs mata, sa dilim ay nagniningning an$ mukhang akala mo'y sinisikatan ng araw.


3. INT. SALA. BAHAY NINA ELSA
GABI.

Minamasahe ni Elsa si Aling Saling ina niya. May malalim na iniisip si Elsa. Saaltar ay may nakasinding kandila sa imahen ng Birhen.

ALING SALING
Munting kumibot ang lupa'y natatakot na agad silang baka gunaw. Kung bakit naman naniniwala pa rin silang ang lugar na (to'y isinumpa. Sabagay naniwala din ako n'ong una pero "gayon, ewan ko. Baka me mga lugar talagang bihirang datnan ng ulan. Hoy, EIsa, nakikinig ka

ELSA
Opo.

AUNG SALING
Lagi kang wafa sa sarili. Gaya kanina. Pinapunta kita kina Lucio'y nakalimutan mo. Lagi kang nasa burol. Hang taon ka na ba?

ELSA
Beinte-kuwatro po.

ALING SALING
Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na.

ELSA
Wala naman pong nanliligaw sa'kin e.

ALING SALING
Me anak 'yung isa kong kumpare sa ibayo. Binata pa.

ELSA
Inay, me ipagtatapat po ako sa Inyo.


Story and Screenplay............. Ricardo Lee
Directed by......................... Ishmael Bernal
Music................................... WinstonRaval
Director of Photography........Serglo Lobo
Production Design...............Raquel N. Villavicencio
Art Directors............................ DennJa Cid, Benjie Garda, Bing Fabregas
Editing.................................Ike Jarlego Jr.
Sound Supervision..............Vic Macamay
Associate Producer.............Trina N. Dayrit
Associate Director...................Warlito M. Teodoro
Casting and Crowd Director............ Joel Lamangan
Production Manager..........hternan Robles
Produced by.................Bibsy N. Carballo
Executive Producer...........Charo Santos-Concio
Production Company......Experimental Cinema of the Philippines

Mga Tauhan

Elsa.........................................Nora Aunor
Orly..................................SpankyManikan
Nimia...................................... Gigi Duenas
Chayong...............................Laura Centeno
Aling Saling.......................Vangie Labalan
Mrs. Alba..........................Veronica Paliieo
Sepa.................................. Ama Quiambao
Igmeng Bugaw..........................Cris Daluz
Baldo...................................... Ben Almeda
Mrs. Gonzales........................Aura Mijares
Part....................................Joel Lamangan
Bino.,.......................................ReyVentura
Pilo.....................................Crispin Medina
Narding.............................Lem Garcellano
Lolo Hugo.......................Mahatma Canda
Bella..................................Estella de Leon
Lucio........................ Cesar Dimaculangan
Mayor..........................................Joe Gruta
Chief of Police......................Tony Angeles
Nestoy........................... Richard Arellano
Intong................................... Erwin Jaointo
Aling Pising...........................Vicky Castitto
Chua.......................................Tommy Yap



ALING SAUNG
Baka sabihin nila'y mag-ina tayong matandang dalaga. Di Rita inampon para gumaya lang sa'kin.

ELSA
Nakita ko po ang Mahal na Birhen.

Mapapatingin si Aling Saling.

ELSA
Sa burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May sugat sa dibdib. Umiiyak po siya at saka nawala.

Mapupuno ng ligalig at pag-aalala ang mukha ni Aling Saling.

ELSA
(manlulumo). Ayaw po kayong maniwala sa akin?

Bubuntunghininga si Aling Saling.

4. INT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

Muling babagsak ang pamalong hawak-hawak ng arbularyo. Tatama sa nakahybad na likod ni Elsang nakadapa sa katre. Sa halip mapangfwi sa sakit ay titigas ang mukha niya.

Nag-aalalang nakatingin sa tab) si Aling Saling, akala mo'y siya ang pinapalo. Hindi makatingin si Chayong, kaibigan ni Elsa. Nakatayo iang si Mrs. Aiba, amo ni Elsa.

Muling hahataw ang pamalo. Lalong titigas ang mukha ni Elsa. Humihingal na titigil ang arbularyo.

ARBULARYO
(kay Aling Saling). Talagang matigas ang espiritu. Kailangan pa nating maghintay nang ilang araw. Tsaka n'yo na Iang siya ibalik sa'kin.

Lalapit ang kamera sa mukha ng nakadapang si Elsa. Naroroon pa rin ang tigas.

5. EXT. BUROL UMAGA.

Kakanta-kantang papunta si Baldo sa bukid. Mapapatigil. Makikita si Elsa sa burol, nakaluhod sa harap ng tuyong punongkahoy, naninigas ang nakatapong ulo sa likod, walang kagalaw-galaw.

Humuhugong ang hangin.

Nagtatakang lalapit si Baldo at mabibigia.

May sugat sa magkabilang bisig si Elsa pero parang walang nararamdamang sakit.

BALDO
Elsa? Elsa?

Di gagalaw si Elsa. Yuyugyugin ni Baldo sa mga balikat.

BALDO
Elsa!

Matagal bago magmumulat ng mga mata si Elsa. Pero parang wala pa ring nakikita. Bubukas ang mga kamay niya. May sugat siya sa mga palad.

6. EXT/INT. KUMBENTO. GABI

Sa labas ng kumbento'y palakad-lakad na naghihintay sina Baldo, Aling Saling, Mrs- Alba at Chayong. Pabulong na nagrorosaryo si Chayong.

MRS. ALBA
Kaya pala lagi siyang malilimutin ngayon.

CUT TO:

Sa loob ng silid ay nakaupong magkaharap sina Elsa at ang pari. Parang inquisition ang nangyayari. Walang simpatiya ang pari kay Elsa.

Matatag at walang damdamin si Elsa. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan sila ng nakatayong imahen ng Birhen.
Hindi tumitingin dito si Elsa.

PARI
Kung minsa'y nagpapanggap ang demonyo. Nakikilala siya tatlong persona.

Di kikibo si Elsa.

PARI
(ituturo ang imahen). Ganito ba ang nakita mo?

ELSA
Opo. Pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril.

PARI
Me baril na ba noong unang panahon?

ELSA
Ewan ko po

PARI
E papaano mo nakita e may eclipse?

ELSA
May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Para po siyang nabibihisan ng araw.

PAR1
Nakausap mo siya?

ELSA
Noong una po'y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero n'rtong huli'y nagsasalita na siya.

PAR1
Bakit daw siya umiiyak?

ELSA
Sabi po niya'y di mo ako mapapangiti, Ineng, maraming kasalanan ang tao.

PAR1
Sa kanya mo ba nakuha ang mga sugat mo?

ELSA
Ewan ko po pero sabi po niya, kung magpapakabait daw po lahat ng mga tagarito, isang araw ay mawawala ang sumpa.

PAR1
Naniniwala ka na isinumpa ang baryong ito?

ELSA
lyan po ang kuwento ng matatanda. (titigil, mapapatingala sa imahen). At ang sabi din po niya, darating daw po ang araw at lalapit daw po sa akin lahat ng may sakit at manggagamot daw po ako. Hindi lang daw po sugat ng katawan kundi pati 'yung sagot ng mga kaluluwa.

PARI
Lagi kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. Di sasagot si Elsa.

PARI
At noong araw na nakita mo ang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba.

ELSA
Lagi naman po niyang ginagawa 'yun e.

PAR1
May sama ka ba ng loob sa mga tao dito, Elsa?

ELSA
(titingin nang tuwid sa pan). Di nagbubulaan, naniniwala sa mga milagro. Ang Panginoong Diyos ay hindi
gagawa ng milagro para lang mapagtakpan ang pagkukulang sa pananampalataya ng mga tao.

ELSA
Totoo po ang nakita ko.

7. INT. KUWARTO. BAHAY NINA
ELSA. GABI.

Sa sahig ay nakahiga na para matulog si Elsa. Nakaupo sa tabi ang nag-aalalang si Aling Saling.

ALING SALING
Baka pagtawanan ka ng mga tao. Kung anu-ano kasing iniisip mo. Baka matanggal tayo sa trabaho kay Mrs. Alba. Mahlrap lang tayp, Elsa. Baka madagdagan pa ang problema natin.

ELSA
Totoo po ang sinasabi ko, Inay.

ALING SALING
Nagsisisi ako. Pinabayaan kita n'ong maliit ka pa. Kung anu-anong mga kuwento ang iniimbento mo noon, na
pinaniniwalaan ko. Minsa'y sinabi mong me kalaro kang anghel. Gusto kitang pigilan noon pero lungkot nalungkot ka. Lagi kang kinakantiyawang putok sa buho ng mga kalaro mo. Napulot iang daw kita sa burol. Inampon lang daw kita dahil tumatandang dalaga ako't kailangan ko ng libangan. Lagi kang nag-iisa. Kaya pinayagan kita sa mga laro mo. Sabi ko'y bata ka pa, lilipas din. At lumipas nga. Hanggang kahapon. Akala ko'y lumipas na.

8. INT. KUWARTO. BAHAY NINA
ELSA. MADALING ARAW.

Magigising si Aling Saling. Mapapansing wala si Elsa sa higaan. Mapapabalikwas ng bangon.

9. EXT. KALSADA. UMAGA.

Sagsag sa kalsada sina Aling Saling, Chayong, at Baldo.

CHAYONG
Baka ho nasa burol.

10. EXT. BUROL. UMAGA.

Mapapatigil sina Aling Saling, Chayong at Baldo. Nakaluhod si Elsa sa harap ng punongkahoy na pinagpakitaan sa kanya ng Birhen. Mapapatingin ito sa kanila, walang damdamin sa mukha. Susugurin nila ito at mapapatigil sila sa pagtataka. Wala na ang rnga sugat sa katawan ni Elsa.

CHAYONG
Susmaryosep!

TAGABARYO
(off-camera). Baldo! Baido!

Tumatakbong lalapit ang isang tagabaryo.

TAGABARYO
Baldo, 'yung bisita mong taga-Maynila, 'yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang sakit niya! Gumaling na daw siya!

Magkakatinginan sina Chayong, Baldo, at Aling Saling. Parang hinigop na mapapaluhod si Chayong sa harap ni Elsa. Mapapatingin lang sa kanya si Elsa. Di malaman ni Baldo kung aalis para tingnan ang kaibigan niya, o luiuhod kay Elsa. Mapapaluhod siya sabay kabig paluhod din sa tagabaryo.

Maiiwang mag-isang nakatayo sl Aling Saling. Naglalaban sa mukha ang iniisip at nararamdaman. Mapapatingin sa kanya si Elsa. Bubukas ang bibig ni Aling Saling at may lalabas na tunog na di maintindihan. Habang nagtatalo pa rin sa mukha ang halu-halong damdamin ng pagtataka, pagkapahiya't pagmamahal sa anak ay mapapaluhod na rin siya. Walang damdaming nakatutok lang ang mga mata ni Elsa sa mga nakaluhod sa kanyang harapan.

11. EXT. TINDAHAN
NI LUCIO. HAPON.

Naghuhuntahan Lucio, mga MIalaking tagabaryo't isang matandang babae.

LUCIO
E ‘yang si Baldo dating sepulturero ‘yan kaya mahilig magpapaniwala sa mga himala.

LALAKI 1
Di na raw sumusumpong ang sakit niya sa atay e.

LALAKI 2
At amoy sampagfta na daw ang buong kabahayan nina Elsa!

LALAKI 3
E sobra na kasi ang kasalanan ng tao kaya nakikialam na ang Birhen!

MATANDANG BABAE
Baka mawala na ang sumpa sa Cupang. Magdodoble ang mga ani natin!

LUCIO
Paanong magdodoble 'yan e di umuulan! (mapapansin ang paring nagdaraan). Aba, si Padre, Padre, daan ho muna kayo!

PARI
(lalapit). Magandang hapon sa inyong lahat.

LUCIO
Padre, anong palagay n'yo sa himala?

PAR!
Aba'y kailangang hintayin natin ang pasiya ng ating Obispo. Samantala'y hindi puwedeng kunsintlhin ng simbahan ang mga nangyayari. Magkakatinginan sina Lucio.

LUCIO
Tama.

12. INT. SAUL BAHAY NINA
ELSA. UMAGA.

Itataas nl Elsa ang mga kamay at marahang hahagurin ang mga mata ni Lolo Hugo. Umaasang nakatlngin sina Bella, Chayong, Aling Sating, Sepa at Baldo. Ginagaya nl Chayong bawat galaw ng kamay ni Elsa.

13. INT. SALA. BAHAY NINA
ELSA. UMAGA.

Katatapos lang nllang blhisan nang puting-puti si Elsa.

CHAYONG
Kasya pala sa'yo. Damit 'yan ng pinsan kong nagmadre.

Lalakad sila para umalis. Sa altar, ang imahen ng Birhen ay may nakasabit nang mga bulaklak at nakaslnding kandila.

14. EXT. KALSADA. UMAGA.

Para silang munting pruslsyon sa kalsada. Si Elsa kasunod sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Daraan sa tapat ng tindahan ni Lucio. Papaswitan slla nito.

LUCIO
Baldo, pagbutihin mo! Baka maawa sa'yo ang Mahal na Birhen at pagkalooban ka ng asawa!

Hindi siya papansfnin nina Baldo.

15. EXT. BUROL UMAGA.

Muia sa point of view ng burd ay maliliit na hugis sina Elsa, Aling Saling, Baldo, Chayong at Sepa paakyaL Marirlnig ang Hang boses.

NESTOY
Baka ditol Baka nagtatago lang dito! 0 baka naman d'yan sa kabilang puno!

INTONG
H'wag kang malngay! Baka matakot lumabas!

Makikita sina Igmeng Bugaw, Nestoy, Intong at isa pang bata, inlinspeksiyon ang punongkahoy na
nllalabasan ng Birhen. May dala-dala pang flashlight s) Igmeng Bugaw.

SEPA
Anong ginagawa n'yo d'yan! (susugod)

NESTOY
(lalaplt).Tinltingnanlangpo namlnkungsaanlumalabas 'yung Birhen!

SEPA
(mapapanguros).Mgawalang sampalataya! Halikayo ntol

BALDO
KaUangang pabakuran natin ang lugar na 'to at nang di inuusyosol

Luluhod para magdasal sina Aling Saling. Chayong, Sepa at Baldo. Mapapatlngin sa kanila si Igmeng Bugaw. saka parang di kasaling

16. EXT. BAHAY NINA ELSA.

Nakatlngin lahat sina Mrs. Alba, Aling Saling, Sepa. Chayong, Baldo, Hang deboto at pasyente mula sa Cupangatkalaptt-baryo. Isang pasyente ang ihaharap ni Baldo kay Elsa.

ELSA
Anong nararamdaman n'yo?

PASYENTE
Naipten ako ng ugat sa leeg.

MamasahehinniBsaangleegng pasyente. Patuloy na pinag-aaralan j at ginagaya ni Chayong bawat gawin ni Elsa. May naglalaro sa isipan ni Mrs. Alba habang nag-oobserba-Dudungawsiyasa labas at makikita ang nagdaratingang marami pang pasyente.

HihHahin ni Mrs. Alba sl Aling Saling j sa kabBang kuwarto at bubulungan.

MRS.ALBA
Saling. mask! dl mo na mabayaran ang utang mo sa’kin.

Hindi mo na rin kaHangang manllbihan sa'kln.

Magtataka si Aiing Saling.

MRS.ALBA
(aabutan ng pera sl Aling Saling). Eto. Tanggapin mo. Sige, kunin mo, kunin mo.

Babaling sa sala sl Mrs. Alba at tatawag.

MRS.ALBA
Chayong... Ikaw... Baldo...Sepa!

Lalapit ang mga tinawag.

MRS.ALBA
KaHangang mag-organisa tayo. Ang magiging trabaho natin ay tulungan at bantayan si Elsa. Maraming magpapanQgap dlyan pero mga alagad ng demonyo. Kagaya nlyang sl Igmeng Bugaw.

17. INT. KAPILYA. UMAGA.
Nagsesermon ang pari.

PARI
Saan ba nanggagalhg ang mga himala? Nahuhugot ba Ito sa hangln. Iblnibigay ba Ito sa atln ng Dlyos, o produkto lamang ng atlng mga guni-guril?

Kokonti ang nagsisimba-mga hikahos at nakatangang mukha.

PARI
Ang Dlyos ba ay mapagparusang laging naghihiganti sa atin tuwing tayo'y nagkakamali? siya ba'y isang multo lamang, aparisyon o Busyon? Maraming katanungan sa'ting dibdib.

Patatahimikin ng ina ang pinapasusong anak.

PARI
Ano ang mangyayari kung maglging napakadall ng mga himala? Magugulo ang kaayusan. Mask! sino ay maaaring magsabing sugo siya ng atlng Panginoong Diyos. Sa halip na magbukas ng ating mga mata, ang relihiyon ay magsisllbing tagabulag.

18. INT. BAHAY NINA CHAYONG.
GABI.

Kakawala sa pagkakahallk nl Pilo si Chayong at humihingal na babangon. Nasa llalim sila ng bahay, sa may tangkal ng baboy.

CHAYONG
H'wag, Pilo! Natatakot ako.

PILO
Ba't ka matatakot, ako lang 'to. DI ba mahal mo ako? Chayong, mapapanis tayo!

CHAYONG
Alam mo namang gusto kong malinis ako bago tayo makasal. 'Yun lang ang maiblbigay ko sa'yo.

PILO
(piiit uling yayakapin si Chayong). Ngayonmona ibigay, Chayong.

CHAYONG
(liwas). Ba't ba ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang girlfriends a.

PILO
Wala naman a! (muling magtatangkang hagkan si Chayong). SIge na, Chayong...

CHAYONG
H'wag, Pilo... h'wag!

Hinahabol ang hiningang makakawala si Chayong at tatayo.

CHAYONG
Talaga namang marami kang girlfriends a. Pat! nga si Bsa nlllgawan mo n'on!

PILO
Lahat ng babae kaya kong llgawan, pero sl Elsa hindi.

CHAYONG
BakR?

PILO
Ewan ko. Parang hindi siya babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo pakakasal?

CHAYONG
Nakausap ko na si Elsa, Pito.

PILO
(mawawalan ng gana). Lahat ba namang gagawin mo'y ikinukunsulta mo pa ke Elsa?

CHAYONG
Alam niya ang lahat.

PILO
Ano siya, salamangkero?

CHAYONG
Natatakot akong pakasal, PHo. Baka di ko maibigay sa'yo ang gusto mo.

PILO
Tuturuan kita. Magtatangka uli sl Pllong yakapin si Chayong pero tuluyang liwas at aalls Ito. Maiiwan sl Pilo.



pinagkunan:http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=293414

Buod ng Kinagisnang Balon

May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak. 
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya. 
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat. 
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya. 
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw. 
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya.. 
Tandang Owenyo - siya ay isang agwador sa kanilang bayan,
namana niya ang paggiging ganito sa kanya rin ama. Iniigiban niya 
ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera 
at para buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang 
gawain para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang 
pamilya.
Nana Pisyang - siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana
niya ito sa kanyang ina na si Da Felisa, hindi lang paglalaba ang alam 
nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang ina. 
Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng 
hapunan.
Enyang - ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyang
ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng mga damit.
Narciso - nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-
aaral hanggang kolehiyo dahil na din sa kahirapan, dahil sa may 
pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang 
matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya 
niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.


Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, 
masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga 
"gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil 
sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.
Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa texto. Ang layunin ng 
panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. 
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang 
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu- 
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa 
Tibag" ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya ". 
Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon. 
Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina 
na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa 
kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na 
namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang 
ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghaatid ng 
mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik 
dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang.
Si Narciso o si Narsing "tawag sa kanya ng mga tao" ay nakapagtapos ng 
haiskul dahil na nga sa kahirapan hindi na ito nakapagpatuloy pa hanggang sa 
kolehiyo, masipag pagdating sa pag-aaral, palaging may dalang libro at sa 
library pa ng bayan nagbabasa't humihiram ng libro. Labis itong naghihimagsik 
dahil ayaw niyang pumasan ng pingga, kung magiigib man siya ay walang 
gamit ng pingga tanging bitbit lang ng kanyang dalawang kamay ang balde. 
Isang araw binigyan siya ng kanyang ina ng konting babaunin, ito ay ang 
naipon sa paglalaba't pinagbilhan ng ilang upo't talagang inilalaan nila para sa 
susunod na pasukan ng mga nakaabata iya pangkapatid. Nakituloy siya sa isang 
tiyahin niya sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw ay naglalakad siya upang 
makahanap ng kahit na anong mapasukan wag lang ang pag-aagwador, sa 
paghahanap ng mapapasukan ay nakaranas na din siya ng gutom pero tiniis niya 
ito, sinubukan na rin niya sa mga kompanya at mga paggawaan ngunit parating may nakasabit na " No Vacancy at Walang Bakante ". Hindi lamang siya ang 
nabibigo sa paghahanap ng trabaho may madalas pa siyang makasabay na tapos 
ng edukasyon at komers at kahit may mga dala itong papel na may pirma ng 
mga senador o kongresman ay pareho din walang mahanap na pwedeng 
mapasukan. Napadaan siya sa isang malaking gulayan ng intsik, kinausap niya 
ito ng nakitang nagpapasan ng dalawang ng tubig na tabla at dito siya 
nagtrabaho ng araw na iyon. Kinabukasan ng hapon ay nagpaalam siya sa 
kanyang tiyahin na nasa Velasquez, sumakay siya ng truck pauwi sa kanilang 
bayan sa lalawigan. Magtatakip silim na siya ng dumating sa Tibag ang 
sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan, habang 
sila'y kumakain nararamdaman ni Narsing na naghihintay ang ama't ina niya sa 
kanyang pagsasalaysay tungkol sa paghahanap trabaho sa Maynila ngunit ano 
naman ang maibabalita niyang hindi pa nila alam kung gaano kahirap 
maghanap ng trabaho sa Maynila. Noong gabing iyon nagkasagutan sila ng 
kanyang ama, iminungkahi ng kanyang ama na ibig naman niyang maghanap 
buhay subukan nalang niya ang umigib, ngunit hindi nakapagpiigil si Narsing at 
malakas at pahingal na sagot "Ano ba kayo!, Gusto niyo pati ako maging 
agwador " pagkatapos ay ang kanyang ina ay napatakbo at tanong ng tanong 
kung ano ba ang nangyari dahil minumura ito ng kanyang ama, pinagsasampal 
siya ng kanyang ama at itinaas niya ang kanyang kamay upang sanggahin ang 
isa pang sampal at nakita niya ang nagliliyab na mata ng kanyang ama, 
sumisigaw ang kanyang ina habang umiiyak yakap siyang mahigpit ng kanyang 
ina. Pagkatapos ng mga nangyari ay kung ano-anong balita ang kumakalat sa 
Tibag, isang linggo pagkatapos ng pagsasagutan nilang mag ama ay nadisgrasya 
sa balon ang Tandang Owenyo, ang dibdib nito ay pumalo sa nakatayong balde 
at ito'y napilayan at nabalingat naman ang isang siko niya sabi ng marami ay 
nahilo ang matanda ang iba nama'y wala raw sa isip niya ang ginagawa. 
Kinabukasan hindi niya inaasahang mangyari na hindi siya kinantyawanat 
pinagtawanan , nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang 
kanyang buto pagakyat panaog sa mga hagdang matatarik sa pagsalin at 
pabuhat ng tubig. Habang siya ay nakahiga sa sahig ay naisip niyang taniman 
ng taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang, 
maaga pa ay bumaba na si Narsing at muling nagigib ng tubig habang mahapdi 
pa ang kanyang balikat, ng hapon na iyon habang naghihintay si Narsing sa 
kanyang turno sa balon ay nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid
ng balon may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilang bagong agwador "
Binyagan si Narsing " at may nangahas na nagsaboy ng tubig


pinagkunan:http://tl.answers.com/Q/Buod_ng_Kinagisnang_Balon

repleksyon: di dapat ikahiya nag trabaho bagkus ito ay ipagmalaki, sa akdang ito ay pinatunayan na ang trabaho ng ama/ina ay maaring maging trabaho ng kanilang anak.