Ø KULAS- Karaniwang tagalalawigan na kinahumalingan ang sabong bagamat ang kanilang tahana'y nakatirik malapit sa mismong sabungan.
Ø CELING - Maybahay ni Kulas na di sang-ayon sa kinahiligan ng asawa.
Ø TEBAN - Kasambahay nila Celing na may kahinaan ang ulo.
Ø CASTOR - Kaibigan ni Kulas sa humimok na magsabong muli't mandaya.
Ø SIONING - Kaibigan ni Celing na tumestigo sa kasunduan nilang mag-asawa.
Ø Aling Kikay - Isang tagatinda ng sabon sa kanilang lugar.
MASUSING PAGBUOD NG AKDA
Nagsimula ang pagsasalaysay ng iisahing yugtong dula sa paglalarawan ng karaniwang tanawin sa lalawigan. Sa pamamahay Nina Kulas at Celing malapit sa sabungan sa panahong kasalukuyan. ( o sa panahong binabasa binibigyang buhay sa isip, puso ng isang mambabasa o taga-tanghal.)
Matatambad na nagsusulsi si Celing habang tulad ng nakagawian na'y nagpapausok mula sigarilyo si Kulas ng tinaling manok. Bagay na gustong pagselosan ng asawa. Kinamusta man din ni Kulas ang asawa bagay na manghihingi na naman siya ng perang pangsabong. Pinagtalunan nila ang mga grasya o disgrasya ng mga pinaniniwalaang palaatandaang panginip ni Kulas. Na nang una'y ahas na numero 8, kaya't pintakasi nitong sa ika-8 ng Pebrero magsasabong ngunit natalo man din. At ngayon na naman ay hinabol siya ng puting kalabaw na pinagpipilitang pera ang ibig sabihin. Maririnig na naman ang ingay ng sabungan, tiningnan ni Celing ang balisang asawa at naisip na walang saysay ang makipagtalo kaya't binigyan na lamang niya ito.
Nagmamadaling tumungo si Kulas sa sabungan na nasalubong ang kaibigan ng asawang si Sioning papunta sa kanila. Kagya't namang inutusan ni Celing ang utusang medyo mahina ang ulong si Teban na pumusta sa sabungan sa katalo ng manok ng asawa. Ipinaliwanag niya sa nagtatakang si Sioning na pumupusta siya sa kalabang manok ng asawa para siguradong Hindi sila magugutom o mawalan ng pera sa kakasabong nito.
Natapos ang sultada, tumatakbong umuwi at ibinigay ni Teban ang nanalong pusta kay Celing. Lalabas na lamang sila ni Sioning upang bumili ng rasyong sabon nang masalubong ang talunang si Kulas. Lumo namang nitong sinusumpa na Hindi na magsasabong pang muli. Bagay na Hindi isinusulat na lamang ni Celing sa tubig.
Nagkataong dumating din ang kaibigan ni Kulas na si Castor na naghimok na magsabong muli. Tinuruan din siya ng pandaraya sa pamamagitan ng paglagay ng karayom sa sariling tinali upang matalo ito't lihim na pagpusta sa kalabang manok.
Sa pagbalik ng kanyang asawa ay hiningan niya ito ng dalawampung pisong (malaking halaga na ito noon) pangpusta upang makabawi sa marami nilang pagkatalo. Nangako pang, ito'y ang kahuli-hulihang pagsabong niya at ipinatestigo kay Sioning na pakakatay niyang lahat ang kanyang mga tinali. Tulad ng dati'y nagpapusta si Celing kay Teban ng parehong halaga sa kalabang manok.
Pinayuhan siya ng kaibigan na huwag masyadong magtiwala sa kahit sino basta't patungkol sa pera. Ngunit Hindi siya nag-alala sa pera sapagkat matalo man siya dehadong panalo pa rin ang asawa kundi sa patuloy na pagsasabong nito at masamang ibubunga nito.Nagtatakang sinalubong niya ang nanlulumong si Kulas na sinisisi na naniwala pa siya kay Castor. Itinanong niya agad kung nasaan ang pinalanunan nito. Dito na sila nagkabukingan ,nagtaka si Kulas na pagpilitang nanalo siya na Hindi naman. Pinagdudahan nila si Teban na kumuha ng pera na umaming pinataya ni Celing ang pera sa kalabang manok ni Kulas at natalo. Nagalit man si Kulas na kinakalaban siya ng asawa datapwat umamin din siyang nandaya siya't pumusta din sa kalaban, na siya nitong ikinatalo.
Natalo man sila ng apatnapung piso, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Celing na Hindi na muling magsasabong si Kulas at kakatayin nilang lahat ang tinali bilang pangako na rin ng asawa. Ipinaimbitahan niya kay Sioning ang mga kaibigan at ipinahanda kay Teban ang gagamitin sa pagluluto.
Nakitawa na lang din si Kulas. Maririnig na naman ang sigawan sa sabungan. Ngunit makikita sa kilos ni Kulas na Hindi na muling magsasabong pa kailanman.
PAGPAPAHALAGA AT SURI SA AKDA
Ø SURING PANGKAYARIAN
Ang dulang ito ay may iisang yugto lamang na lumilibot sa iisang tagpuan lamang nakapokus, sa tahanan Nina Kulas at Celing. Tradisyunal nang pahayag na ang dula ay paglalarawan ng katotohanan sa tunay na buhay. May layunin itong magbigay impresyon sa mga mambabasa sa pamamagitan ng panggagaya ng representasyong makatotohanan at sa paggamit ng masining ng dayalogo at kilos.
Kung uuriin ang dula bilang komedya ay maibubukod ito bilang komedya ng kaugalian o "Comedy of Manners" at Sainete. Dito karaniwang tinatalakay ang mga umiiral na panlipunang kaugalian, "fashions", mga paniniwala, gawi at kalakaran ng isang partikular na panahon at lugar na karaniwang masaya't maikling dula.
Ø SURING ARKETIPO o Pangkatauhan
KULAS - Nakilala ang karakter niya bilang karaniwang larawan ng ng Pilipinong tagalalawigang asawa ni Celing. Mapaniwalain sa mga pamahiin sa kabuhayan man o sa larangan ng buhay. Bilang tipikal na asawang Pilipino, siya ang tipong mapagmahal bagama't may kakitiran ang isip pagdating sa usaping personal sa pagpapasya. Ang paghumaling nito sa sugal ay narkotikong maituturing na kaipala'y nagagamit sa pagsira ng moral na hibla ng lipunan. Lalo na sa gawang nahimok siyang mangdaya (na biro ng tadhana'y palpak din naman sa huli) na kativayan ng isang negatibong pag-uugali datapwat naituwid man din ng may-akda sa pagkakaroon ng pangunahing kaisipan na Hindi madadaig ng kasamaan ang katotohanan at kabutihan.
CELING - Maybahay ni Kulas na larawan din ng karaniwang Pilipino sa lalawigan. Mapagmahal na selosa sa karakter nito bilang tipikal na isang Pilipinang maybahay, bagamat may malawak na pag-unawa at mahabang pasensya. Tuso ito sa akto napagiging wais nito sa usaping pera o pagtitipid ng kita. Naipalutang nito ang karakter ng isang Piipinang naybahay na karaniwang taga-ingat-yaman o tagapamahala ng kita ng asawa. Bilang indibidwal sa lipunan, masasabing palakaibigan, may malinis na reputassyon at ginagalang din naman.
TEBAN - Kasambahay Nina Celing na masunurin sa kabila ng kahinaan ng ulo. Isang simbolo siya ng isang Juang may mababang pinag-aralan ngunit tapat sa pinaglilingkuran. Dito naipahatid ng may-akda na sa kabila ng di sapat na kaalaman ay kumikilos pa rin ang isang Juan upang mabuhay. Inilakip sa karakter niya ang konting kutya sa mga Pilipinong nanatiling tamad. Tunguhing magpukaw man lang ng damdamin na may magagawa ang sinuman para sa kaniyang sarili upang mabuhay at may ikabubuhay. Katapatan, sipag at determinasyon ang kailangan ng bawat Pilipinong may adhikaing mapaunlad ang buhay.
CASTOR - Kaibigan ni Kulas na naghimok sa kanya sa gawang pandadaya. Tukso ang karakter nito. Ipinalilitaw ng may-akda ang ugaling mabuting maitama sa panig ng mga Pilipinong palaging pinapangarap ay manlamang sa iba at di marunong makontento sa buhay. Waring napasaysay sa karakter niya ang pagkalugmok ng iba pang tauhan. Mabibigyang - aral na maski tayo ay makakapasama sa ating kapwa. Ipinupunto nitoo na ang pandaraya ay kapatid ng magnanakaw na kalian ma'y makasasama man ay makakapapukaw din ng reyalisasyon sa buhay. Instrumento ng pagtama sa maling gawa ang slbi ng kaniyang karakter.
SIONING - Kaibigan ni Celing na tipikal na palakaibigan at tatak lalawigan. Sa kanya masasalamin ang tapat, maalalahanin at maunawaing kaibigan. Ibinukod sa karakter niya ang minsang pagbalik-tanaw sa eskandalong nangyari. Minura niya ang kanyang asawa matapos niyang nakita ito sa klub kaya't limang araw ding nagkulong sa bahay dahil sa natamong bubog ng asawa. Palaban at mahabang pansensya, mga katangiang dapat taglayin ng asawang Pilipina. Itinambal ng may-akda, sa pangunahing tauhang babae upang maikumpara ang katangiang positibo't negatibong dapat mapansin ng tagabasa na magkaroon ng bisa ito sa kanilang isip, damdamin at pag-uugali.
ISANG REPLEKSYON…
Ang bansang Pilipinas bilang isang arkeplago sa Timog Kanlurang Asya aay mayaman sa mga sarili at namanang kaugalia't tradisyon. Maging sa ating kulay ay namumukod tangi tayo sa pagkakaroon ng kayumangging balat. Ngunit watak watak ang pulong ating kinatitirahan na di naman dahilan ng pagkakawatk-watak natin bilang Pilipino. Kaya't mapadako ka man sa banyagang lupain ay di mo maitatanging panabikan ang sariling atin. Ngunit ngayon, kahit noong una'y unti-unti na itong nalulusaw dala marahil ng pagpasok ng ugali maski bagay na pawing mga kanluranin.
Namana nating kaugalian sa panahon ng Kastila ang pagsasabong na isang uri ng sugal na kinahuhumalingan ng mga nakararami. Masasabi man nating may nahubog itong magandang kauugalian tulad ng pagiging matapat sa akto ng pagtaya sa sabungan na pawang mga salita lamang ang pinanghahawakan ng mga tagapamagitan na sumusubok sa panindigan ng salita ng isang indibidwal matalo man o manalo ay isang narkotiko pa rin kung matuturing ang sugal. Sa akdang nasuri ay may ilang kaisipang napalutang ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
" Magsanay ka sa ilang gawaing mapakinabangan upang ng may ipagtatawid-buhay. Iyan ang mangangalaga sayo sa kinabukasan at maglalagay sayo sa isang kapurihang makaakit sa malas na madla…." Isang halaw sa ani Pura Kalaw
Matandang kaugalian na ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi - taga-ingat yaman
Kadalasan ang bisyo ay nagiging sanhi ng di pagkakaunawaan ng pamilya sapagkat maraming Tao ang naghahangad ng biglang yaman sa pamamagitan g sugal suubalit may mga taong kapag natatalo ay ayaw pa rin tumigil hanggang sa mabaon na sa utang at tuluyang maghirap. May kasabihan nga na kung may galit ka sa isang Tao ay turuan mong magsugal at para ka na ring makaganti. Sa mga kilalang Tao sa lipunan ay marami na ring nalulong at nasira ang buhay dahil sa sugal.
reflection log:
tungkol sa mag asawa na mahilig mag sugal ang lalaki
at sa dulo ay natuto sila ng aral na di maganda ang
pag sususgal.
MAGALING
TumugonBurahinniced.bro.
TumugonBurahinThanksss! <3
TumugonBurahin