Martes, Disyembre 25, 2012
kabanata 1
“Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage.
Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina.
Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil.
Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.”
Read more about Buod ng Kabanata 1: Ang Pagtitipon « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/buod-ng-noli-me-tangere/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento