Martes, Disyembre 25, 2012

kabanata 10


“Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran.

Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino.

Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog.

Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra.

Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.”

Read more about Buod ng Kabanata 10: Ang San Diego « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-10-ang-san-diego/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&


repleksyon:

ipinapakita ang kawalan ng pag unlad sa
ating bansa sa pamumunong kastila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento