Martes, Disyembre 25, 2012
kabanata 39
“Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag-asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali.
Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa kanya.
Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat.
Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.”
Read more about Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 39 – Si Donya Consolacion « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-39-si-donya-consolacion/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&
repleksyon:
pang mamalupit ng mga kastila sa sa mga pilipino na
wlang laban sa kanila.
kabanata 16
“Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos.
Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo.
Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito mula sa simbahan.
Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.”
Read more about Buod ng Kabanata 16: Si Sisa « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/buod-ng-noli-me-tangere-kabanata-xvi-si-sisa-2/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&
repleksyon:
mga uri ng pamilyang pilipino, at sa kwento ni sisa
ipinapakita ang watak watak na pamilyang pilipino
kabanata 10
“Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran.
Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino.
Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog.
Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra.
Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.”
Read more about Buod ng Kabanata 10: Ang San Diego « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-10-ang-san-diego/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&
repleksyon:
ipinapakita ang kawalan ng pag unlad sa
ating bansa sa pamumunong kastila.
kabanata 1
“Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage.
Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de EspadaƱa at ang kabiyak nitong si Donya Victorina.
Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil.
Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.”
Read more about Buod ng Kabanata 1: Ang Pagtitipon « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/buod-ng-noli-me-tangere/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&
tungalian sa nobela
isang mahalagang ng isang nobela ay ang tungalian ito ay nag papaigting sa paglalahad ng mga karanasang tinipon ng isang manunulat upang mabuo ang buhay na kanyang inilalahad
tao sa tao :
ipinapakita ang kasawian ng isang tao dulot ng kanyang kapwa
tao sa kanyang sarili:
ipinapakita ng manunulat ang maigiting na pag lalaban ng tauhan .nilalabanan ng tao ang kanyang sarili
tao sa lipunan:
ipinapakita naman ang magiting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunanng kanyang kina bibilangan
repleksyon:
ito ay tungkol sa mga tunggalian na
nang yayari o nagaganapsa isang nobela
tata selo
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...
reflection log:
ang tata selo ay tunkol sa kahirapan at
pang aapi sa mga pilipinong mahihirap
ng mga mapang abusong mayayaman
Mabangis na lungsod
Mabangis na lungsod - Efren R. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya
reflection log:
tungkol sa batang pulubi na ulila at pinandidirihan
ng mga tao, at pinag mamalupitan ni bruno na isa
ding pulubi. at sa pagiging bulag ng mga pinuno sa
mga nang yayari sa kapaligiran.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)