Huwebes, Pebrero 28, 2013
ang mga sakristan
“ng dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng kanilang ina.
May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at ang pataw na multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid.
Nag-aalala naman si Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid. Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na ginawa niya iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil sa palo ng kura, pati ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang pera ay isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle.
Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi. Pagkasabi nito ay kinaladkad na ng sakristan si Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid. Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang matulala at balutin ng matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para tulungan at baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan. Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana.”
Read more about Buod ng Kabanata 15: Ang Mga Sakristan « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-15-ang-mga-sakristan/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&
repleksyon:
sila ay pinag bintangan lang pero wala namang prowebang nakuha pero pinarusahan parin sila ng sakristan mayor, di nakatakas si crispin pero nakatakas si basilyo at may posibilidad na napatay si crispin , dahil narinig ni basilyo ang paghina ng boses ni crispin habang pinaparusahan ng skristan mayor.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento