Miyerkules, Hunyo 27, 2012

ang kwento ni mabuti



Ni Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. …….



REPLEKSYON LOG:


dito k naman natutunan ang pagigigng matatag kshit gaano kalaki ang problemang dumatin sa ating buhay at kailangan din nating mag labas ng sama ng loob dahil minsan kailangan natin ng tulong ng iba 



Martes, Hunyo 26, 2012

ibong mandaragit

Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.





REPLEKSYON LOG:


wag maging sakim sa lahat ng uri ng tao , dapat lahat ay pantay pantay mayaman man 
o mahirap  dahil pareparehas tayong may karapatan 

pakikipag kapwa o texto

isang paraan kung saan lumulutang ang malaking pagkakahawig ng ng isang akda
ito ay isang bunga ng malawakang pagbabasa ng isang manunulat at hindi isang pangongopya





REPLEKSYON LOG:


dito ko naman nalaman kung bakit minsan ay nagkakaarepareho ang isang kwento hindi dahil kanila itong kinopya kung di dahil sa malawakang pag babasa ng manunulat.

istraktura ng nobela

    istraktura ng nobela 

1. balangkas o banghay- istilo ng pananalita o pagsususlat nag tataglayito ng di makasalungat na katotohanan     upang bigyan katwiran ang dating kasinungalingan
2. ang tauhan-ang kumikilos o gumaganap ng kanyang tungkulin sa banghay o balangkas
3. tagpuan-pook na pinang yayarihan ng nobela
4. salitaan- ang natural o likas na paraan ng pagsasalita ang susi upang itoy maging makatotohanan.
5. ang panig na iasang paksa o angulo-maaring pangpaningin o moral
6. pagsulong- ang bang hay ang dapat sumulong at ang batyan nito ay dapat pantay pantay



REPLEKSYON LOG: 

dito naman itinuro sa amin ang mga bahagi ng nobela at kung
anong ibig sabihin ng mga ito ,kung saan ito nagsisismula at kung saan din ito mag wawakas


nobela

             ang nobela ay isng uri ng panitikan na nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at iba pang katulong na tauhan .
             itoy karaniwang batay sa totoong buhay na ginawang kawiliwil para sa imahinasyong ng mga mambabasa. ang pangyayaring kinasangkutan ay ganap sa mahabang panahon at maraming lugar 


REPLEKSYON LOG: 

dito naman ipinaliwanag saamin ang ibig sabihin ng nobela at itoy batay sa totoong buhay ng isang tao

Linggo, Hunyo 24, 2012

luha ng buwaya


Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. 
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.





REPLEKSYON LOG:


dito ko naman napag isip isip na walang magandang midudulot ang pagiging sakim 
at kung yaw mong gawin sayo wag mong gagawin sa iba 

Biyernes, Hunyo 22, 2012

Denotasyon at konotasyon

Denotasyon - Literal ang kahulugan.

Konotasyon - Malalim ang kahulugan ng salita.

moses moses


moses moses







isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo'y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya'y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya't kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.

Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y hustisya ang mananaig.




Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.

Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y kumalma. Kaya't nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito'y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni Regina ng gatas.

Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.




Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya. .

Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya. .



REPLEKSYON LOG:

dito namam ipinapakita na walang magandang midudulot ang
paghihiganti ,lalo lang itong ikasasama ng iyong lagay

Sa Aking mga Kabata


Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA". 


Sa Aking mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig

Sa langit salitang kaloob ng langitSanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawidPagka’t ang salita’y isang kahatulanSa bayan, sa nayo't mga kaharian

At ang isang tao’y katulad, kabagayNg alin mang likha noong kalayaan.Ang hindi magmahal sa kanyang salitaMahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusaNa tulad sa inang tunay na nagpalaAng wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,Sapagkat ang Poong maalam tuminginAng siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.Ang salita nati’y tulad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.




REPLEKSYON LOG: 

dito naman ipinapakita ni rizal ang kanyang pag mamahal sa bayan 

at kung gaano nya pina hahalagahan ang ating bayan , dahil sa kanyang murang idad ay nakag sulat na sya ng isang tulang tumutukoy sa kanyang bayan.

Ang Pag-Ibig


Ang Pag-Ibig 
ni Emilio Jacinto 

Sa lahat ng damdamin ng puso ng Tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. 
Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang maykapal at 
ang kapwa Tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, Hindi ang pag-ibig ang siyang may udyok kundi ang kapalaran at ang kasakiman. 

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay Hindi magtatagal at karakarakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon na kahoy na niluoy ng init at tinanggay ng hanging mabilis. 

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaka-akay sa Tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay ng sampu ng kaginhawaan. 

Ngunit ang kasakiman at ang katampalasan ang nag-aanyo ring pag-ibig minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararanal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga patak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig. 

At ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na ala-ala sa nag daan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig na siyang magiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay. 

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang mag babatang, mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya nag mga anak sa sarili lamng nila? Kung ang anak naman kaya ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang kanilang magigigng alalay sa katandaaan? Ang kamalayan ay lalong matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala ng malangapang mag-aakay at makaka-alaiw sa kanyang kahirapan. 

Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikayat na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa ipasanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umuusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag-ibig? 

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawaan; kailanpawa't sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani at kanyang buhay na nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan sapagkat Hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kung di ang taksil na pitasa yama't bulaang karangalan. 

Sa aba ng mga bayang Hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag-ibig. 

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkaka-isang magbibiga ng di-mahahapay na lakas na kailangan sa pagsasangalang ng matuwid 

Sa aba ng mga bayang Hindi pinamumuhayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak ng pag-sasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagaw ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan sa kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukod bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay nakapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan. 

Oh! Sino ang nakakapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig? 

Ang pagkaka-isa na siya niyang kauna unahang bunga niya ay siyang lakas at kabuhayan, at kung nagkakaisa na't nag-iibigan ang lalong nalalabing hirap ay magaang pasanin, at ang muling ligaya'y ang ganito, ay di matataos ng mga pusong Hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig. 

At upang makapagkilalang magaling na pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito mapagnanakaw mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung silang nakikitang inaapi ng iba. 

Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pang-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di mabatang kapaitan. 

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magandang alala. Ipagpalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting mapaparaan upang magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamaysa kapighatian at pagkaapi na kanyang mga kapatid. 

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitin sa mga hirap ng Tao na inaakalang walang katapusa. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayanng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.















REPLEKSYON LOG:


ang pinapakita naman dito ang ibat ibang uri ng pag ibig halimbawa nalang dito ay ang pagibig sa kapwa ,bayan , hayop at iba pa ,dahil ayon dito wala ang lahat kung walang pag ibig



sanysay o (essay)


                   sanysay o (essay)

                       - ito ay paglalahad ng sariling haka-haka o kuro-kuro o opinyon tungkol sa isang  bagay o paksa

         pormal o malaya

                 ito ay maaring pumaksa sa ano mang bagay. ang sumusulat ay parang nakikipag usap sa bumabasa.

            pormal o maanyo

                 gumagamit ng piling paksa sa salit . kailangan nito mag ingat sa pag susuri








REPLEKSYON LOG:

dito ko naman natutunan ang kahulugan at mga uri ng sanaysay , ang essay ay isang paglalahad ng sariling opinyon o saloobin 


mga elemento ng tula


    mga elemento ng tula

tula -isang nayo ng panitikan na ipinapahayag ng pataludtod

tema -ay ang paksa ng tula

tugma -pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog sa bawat huling    salita sa bawat saknong 

sukat-ay ang bilang na patnig sa bawat taludtod.

simbolo-ay ang salitang kapag binabanggit ay nag iiwang ng ibat ibang kahulugan sa mambabasa.

karikitan-ang gumigising ng diwa ng mga mambabasa upang              ang guno-guno ay maglakbay, ang paggamit ng imahe  

,simbolo,pahiwatig tayutay at talinghaga ay pagsasama-sama ng karikitan

ANO ANG PANITIKAN?


                         ANO ANG PANITIKAN?


        ang panitikan ay ang mainaw na pagsusulat ng may anyo pananaw ang diwang sanhi na matagal na pagkawili at gana sa makatuwid may hugis punto de bista at makakapagpahaba ng interes na bumabasa ng isang sulatin pampanitikan.
     Itorin ay nag sasalaysay ng buhay,pamumuhay,lipunan,pamahalaan,pananampalataya at ang mga karanasang kaugnay ng ibat-ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,kaligayahan,kalungkutan,pag-asa,pag-kapoot paghihiganti,pagkasuklam,sindak at pangamba


     ETIMOLOHIYA O ETEMOLOGY (PINAGMULAN NG SALITA )

          naggaling ang salitang panitikan sa pang/titikan? o kung saan kinabit ang unlaing ang salitang ugat na may dalawang anyo ng panitikan 

             1. tuluyan o prosa (ingles prose) 

-maluwang pag sasamasama ng mga salita sa loob ng pangungusap ito ay na susulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pahayag.

             2.  patula o panulaan(english poetry)

-pagbuo ng mga pagnugnusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa talutod na pinag tugma-tugma nagpapahayagdin ito ng mga salitang binibilang ang pantig at pagtugma-tugma ng mga dulong mga taludtod sa saknong

             3. kaugnayan sa kalinangan.

-nag uugat ang laht ng likhang panitikan mula sa buhay at naglalarawan ng kalinangang ping mulan nito .





reflection log



          dito namin napag aralan ang tungkol sa panitikan ang panitikan ay isang mainaw na paraan sa pag susulat ng may mga anyo pananaw diwang sanhi na matagal na pag kawili.at dito rin isinasalaysay ang buhay lipunan pamahalaan pananampalataya at mga karanasan ng mga tao

          at ang isa pa naming pinag aralan ay ang mga itimiolohiya o etemology sito naman sinasabi kung saan nagmula ang mga salita na ginagamit , at dito naggaling ang salitang panitikan sa pang/titikan? o kung saan kinabit ang unlaing ang salitang ugat na may dalawang anyo ng panitikan