Martes, Enero 1, 2013

dec.22



parang ito ang part two ng montalban trip namin, pag dating ng 3:00 ay umuwi na kami at nakakatakot sa daanan at napaka dili buti nalang ay may roon kaming dalang flash light nag tatakutan pa kami habang nag lalakad sobrang tahimik sa daan at kami lang ang maingay at tinatahulan pa kami ng aso pag dating namin sa kalasada ay wala kaming masakyang kaya nag lakad muna kami at sumakay nalang kami ng taxi, sa sobrang antok ko ay naatulog agad ako pero parang kakapikit ko palang ay nadoon na agad kami sa bahay ng pinsan ko at duon muna ako natulog dahil gabi na para umuwi pa ako sa bahay namin pag gising ko ay 12:00 na grabe pag tayo ko ay ang sakit ng ulo ko at nahihilo ako at pag katapos noon ay nagsimula nang maging boring ang araw ko.

dec. 21


pagka gising ko ng umaga ako ay nagulat dahil 11:00 na pala nakalimutan ko na may pupuntahan pa ako , pupunta ako sa namatay kong tito sa montalban, ang haba ng biyahe, ako muntikan pang masuka dahil sa sobrang hilo sa jeep pag dating namin di ko inaasahan na parang bundok pala ang dadaanan namin doon kung ano anong nangyari doon natapilok ako at muntikan nang mahulog sa kanal ang pinsa ko, sa wakas nakarating narin kami sa mismong ahay nila wala silang  kuryente at gumagamit lang sila ng generator at kubo lang ang kanilang bahay at sobrang layo ng kanilang kapitbahay kami ang nagaasikaso sa kanilang mga bisita inabot kami doon ng gabi at inaantok na kami pero wala kaming matulugan, hanggang inabot na kami ng  3:00 na umaga.

dec.20

pumunta ako sa bahay nina patricia para dalhin ang handa namin para sa christmas party kami ay naghanda ng juice, binuhat namin ito papuntang school at pag dating namin doon ay mag sisismula na ang party kaso di ko inaasahan magiging boring ang inihanda naming party, pagkatapos ay ako si cagas, rafallo ,gabin, aquino ,badion,graniel,at si garcia, nag ambagan kami ng pera para pambili ng pagkain at kami ay pumunta sa bahay nia gallardo ang ginawa namin doon ay nag kwentuhan at kumain pagkatapos ay kami ay nanuod ng mga nakakatakot at nakakatawa sa youtube grabe sobrang tawa kami sa bahay ni gallardo kami lang ata ang maingay doon sa kanilang lugar, nagising ang ate ni gallardo at nagluto ng pagkain at pinakain kami mas nag enjoy pa ako sa pagpunta namin doon kaysa sa party ng school di namin napansin na 4:00 na at kailangan na naming umuwi habang nasa daanan kami ay nag kwekwentuhan nakauwi na tuloy ako sa bahay ay 5;00 na napagalitan pa ako pero ako ay labis na nag enjoy sa ginawa naming iyon.