Sabado, Disyembre 29, 2012

dec 18











sa araw na ito ay hindi ako nakapasok ng eskwelahan dahil sa hindi ako nagising ng maaganasa bahay lang ako at nagliligpit ng mga kalat at pagkatapos ay nanuod na ako ng anime sa tv
pagkatapos kong kumain ako ay naligo na pero pag tingin ko sa rasan ay 1:00, na at aalala ko nakailangan ko papalang pumunta ng iskwelahan namin da dil ito na ang ikalawang araw ng cultural show at pag dating ko doon ay nakabihis na ang iba at ako ay hindi pa katulad ng nang yayi nung unang arw ay nag ensayo muna kami at pag katapos ay nag picture picture kamidumaan ang oras  at nag 4:00 na kailangan na naming lumabas at mag perform katulad nug kahapon ganoon parin ang ginawa naminpero bago yon nag salita muna ang punong guro ng eskwelahan sinabi nya kung anong layunin ang cultural show

Martes, Disyembre 25, 2012

dec. 17




pumasok ako ng school kala ko ako ay huli na klase pero pag dating ko
kakaunti lang ang tao sa silid nalala ko kalahati pala ng seksyon 1 ay kasali
sa cultural show ako man ay kasali subalit pinili ko parin pumasok upang
matutuna ang paggawa ng miniature house sa tle lumipas ang orasat natapos na ang klase.
agad akong umuwiat hinanda nag gagagmitin sa cultural show .
pag dating ko nandoon si sir talotos at ibinabahagi ang mga susuutin namin
dumating na ang iba at nag bihis na kami at nag praktis
kinalauna a naglabas na sila ng camera upang kumuha ng litrato
kumipas nanaman ang oras at nag simula na ang programa,p
ero bago kami lumabas ay nag dasal muna kami
kinanta namin ang :
pagbabasbas
lupang hinirang
panaligan
bastat mahal kita
pandanguhan
at payapang daigdig
at nakasama din namin ang indak sa pag tatanghal sa programa
sa dulo naging maganda ang kinalabasan nito

kabanata 19


“Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing.

Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay nagsisimula pa lamang.

Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon.

Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.”

Read more about Buod ng Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/buod-ng-kabanata-19-mga-suliraning-isang-guro/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&


repleksyon:
dito ipinakita ni rizal ang mga kinakakaharap na problema ng guro sa panahon ng kastila, at ang mga pang aabuso sa kanila

kabanata 39


“Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag-asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali.

Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa kanya.

Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat.

Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.”

Read more about Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 39 – Si Donya Consolacion « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-39-si-donya-consolacion/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&

repleksyon:

pang mamalupit ng mga kastila sa sa mga pilipino na
wlang laban sa kanila.

kabanata 16


“Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos.

Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo.

Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito mula sa simbahan.

Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.”

Read more about Buod ng Kabanata 16: Si Sisa « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/buod-ng-noli-me-tangere-kabanata-xvi-si-sisa-2/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&

repleksyon:

mga uri ng pamilyang pilipino, at sa kwento ni sisa
 ipinapakita ang watak watak na pamilyang pilipino