Biyernes, Marso 15, 2013

kasaysayan ng isang ina


Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter.
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.
Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan
Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.
Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.
Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.


repleksyon:
sa kabanatang ito ay pinapatunayan na ang kasalanan ng anak ay kasalanan na rin ng kanilang ina, nung pinagbintangan ang mga anak ni crispin sya ang sinisisi ng mga gwardya sibil dahil ito ay kanyanng anak.

ang erehe at filibustero

“Maikling Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4
 Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog. Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.”

Read more about Buod ng Kabanata 4: Erehe at Pilibustero « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-4-erehe-at-pilibustero/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&


repleksyon:
ang tinutukoy dito na erehe at filibustero ay si don rafael, tumuong lang sya ngutit itinuring syang masama ng mga tao

Huwebes, Marso 14, 2013

march 13 2013

nilagyan na namin ng pang pakintab ung ginawa namin painting para gumanda, kalokohan namin pati sapatos namin nilayan namin para kumintab, tapos pinasa na namin kay sir, nung gabe ay nag review ako dahil test nanamin bukas.

march 12 2013

dahil di namin natapos ung painting inuwi ako para ako mag tapos grabe umiral nanaman ug katamadan ko buti nalang di ako tumigil dahil kainlangan na namin bukas, buti natapos ko gabe nga lang pero natapos ko haha.

march 11 2013

itinuloy na namin ang ginagawa naming painting dahil malapit na ang pasahan nito, pero unti lang nagawa namin dahil puro kwentuhan at tawanan bago makagawa ng isabg bagay sa painting, naubusan pa nga kami ng pinturang black dahil sa background 

march 10 2013

pumunta ko kina enriquez para ibigay sa ate nya ung ginawa kong poster,pero bago ako makapunta natakot muna ako sa aso na nakaharang da daanan pappuntang bahay nila nakipag kentuhan muna ako sa kanila tapos umuwi na, dinaanan ko rin si necor nangamusta lang, tapos umuwi na ako.

march 09 2013

inulit ko ung ginagawa kong poster dahil napangitan ako sa una dahil madumi tignann, kaya inulit ko natagalan ako tinamad pa pero natapos ko ung ginagawa ko. 

march 08, 2013

sa araw na ito ay nag aerobics kami, di kami sabay sabay pero nagawa naman namin ito ng medyo maayos hahaha, pagkauwian ay umuwi na kami at natulog ako. puyat eh

march 06 2013

sinama ako ng pinsan ko na pumunta sa kaklase nya dahil nag papatulong sya ng report nya, pag dating namin doon ay di agad kami nakaalis dahil nagkwentuhan pa kami. masaya sila ka kwentuhan, bago kami umuwi ay nag grocery muna kami at gabe na kami nakauwi.

march 04 2013

pumasok ako sa school at nung uwian ay ginawa ko na ung pinapagawa saking poster nakalahati ko na, tatapusin ko na sana kaso tinamad ako eh... nung gabe ay di ako nakaken naktulog kase ako ng matagal nung hapon hanggang gabe.

march 03, 2013

sa araw na uto ay inayos na namin ang sip dahil eto na talaga ang pasahan,
pag dating ko kina necor ay wala pa ang iba super late sila. mga dalawang oras tatlo lang kami doon kaya di kami kaagad nakapag simula,
dumating ang ate ni enriquez at nag papagawa sakin ng poster para sa school nila.

Biyernes, Marso 1, 2013

feb. 26, 2013

pag kauwian sa chool ako ay labis na kinakaahan. dahil ngayon na ang interview ko para maging pangkat isa parin hanggang sa ikaapat na taon. nakaka kaba ang mga tanong pero nasagot ko naman sila ng ingles. at wala namang masyadong nangyaring problema. pagkatapos ay umuwi an ako.

feb 25, 2013

yes!! natuloy na ang sip namin. pagpunta ko doon ay nanduon na nag iba kong ka grupo ang tagala na namin itong ginagawa kasi ang hirap. sinubukan na namin ang produkto namin. habang nag aantay ay kumain munakami. naging maganda naman ang resulta nito. di na sya palpak. at nakauwi naman kami ng maayos.

feb 24, 2013

dapat sa araw na itoay gagawa kami ng sip kaso di ako pinayagan ni mama dahil walang magbbantay ng bahay dahil aalis sya. kinahapunan ay umuwi na sya at nag text saki s canchela na pumunta ako sa bahay nila dahil kaarawan na nya. naging masaya naman ang pangyayari doon. tawanan kainan at meron ding kantahan, kaso di ako kumanta nakakahiya kasi eh hahaha. pero naging maganda naman ang araw na ito.

feb 21, 2013

naging masaya ang araw ko sa aking eskwelahan, masaya ito. pag ka uwi ko ay pinanood ko na ang pinapanood ko na pilikula, at eto pa!! di ko na sya nakatulugan, ang tagal nga lang, maganda ang istory nito nakakaiyak. 

feb. 20, 2013

pagkauwian sa school ay dumeretsyo ako sa bahay dahil mag cocomputer ako. dahil mag dodownload ako ng pilikula sa cellphone. maaga akong natapos. pagkauwi ko ay pinanuod ko naito kaso naktulugan ko ito. kaya nagising ako ng gabe. at di makatulog.

fen. 19, 2013

pagkagaling ng eskwelahan ay gumawa kami ng MTV sa wakas matatapos na kami.
ang mga pangyayari naman ay naging masaya, marami munang tawa bago makagawa ng scene. ang kukulit kasi namin eh

feb. 18, 2013

maaga akong gumising para pumasok sa school. nakakamiss kaya ung mga kaklase ko akoalain mo un apat na araw na walang pasok. bago ako umuwi gumawa muna kami ng MTV namin, saa tumambay. haha . medyo maaga namang natapos ung ginagawa namin. masaya naman ang araw ko ngayon