Lunes, Setyembre 10, 2012

batang bata ka pa

(Danny)
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang, makinig ka na lang

(APO)
[chorus 1]
Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa ‘king payo pagkat musmos pa lamang
At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/a/apo_hiking_society/batang_bata_ka_pa.html ]
(Boboy)
Batang-bata ako at nalalaman ko ‘to
Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahitganyan ang kinalalagyan
Alam mo na may karapatan angbawat nilalang kahit bata pa man, kahit bata pa man

(APO)
[chorus 2]
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya ‘sang katangi-tanging bata

(Danny)
Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malamn at intindihin sa mundo

(Boboy)
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan

(Danny)
Batang-bata ka lang at akala mo na, na alam mo na ang lahat na kailangang malaman

(Boboy)
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan

(Danny)
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

(APO)
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la, la, la



 repleksyon : 

dito sa kantang ito ipinapakita ang magulang at ang anak ang magulang ay pinagsasabihan ang kanyang anak at ang anak naman ay tinatanong kung ano pa ang kanyang dapat na malaman .

Sabado, Setyembre 8, 2012

sa bagong paraiso

Mga Tauhan: 
Ariel Cleofe Mga magulang ni Ariel Mga magulang ni Cleofe Mga guro sa kanilang paaralan Mga kaklase Isang batang lalaki na malaki kay Ariel Ba Aryo 
II. Buod: 
Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-Malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay Hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay Hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit Hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at Hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit Hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na Hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng Malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang Hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-Malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay Hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan --- sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at Hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na Hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y Hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay Hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama. Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi sa anak na kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-Malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang damuho…pagkalaki-laki'y parang Hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang-Malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, Hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!" Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at sila'y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon. "Tignan mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit Hindi kumikilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. "Bakit?" Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin. At sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na Hindi na daw sila maaring maglaro gaya ng dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang sasabog sa kawalang-Malay ang katauhan ng batang lalaki. "Malalaki na raw tayo…malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo'y magiging dalaga…at binata." "Sinabi 'yon ng Nanay mo?" "Oo, sinabi niya…na Hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang babae. "Kangina sinabi sa'yo ng Nanay mo?" Tumango ang batang babae. "Ngayon daw…Hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na…at ikaw raw ay binatilyo na!" At waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang sinabi nito. "Ayaw ka na palang papuntahin dito'y…bakit narito ka pa… gabi na!" Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit Hindi lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay Hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay Hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay Hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: "Hindi mo na kailangang dito pa labhan 'yan…" Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong Hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay Hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At Hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-Malay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay Hindi niya maluom sa kanyang kalooban. "Pero, Inay…kaibigan ko si Ariel." May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!" At ang pait na may iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid. "Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga. Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip. "At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?" "Tama ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y Hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay Hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at Hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng matataas na gusali ng malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na Hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay Hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang dalaga. Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala nila'y nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa. At sila'y nagkita sa Luneta, Hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan, sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isipo ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila'y naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa kanyang mga magulang. May nakakita sa kanilang dalawa ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man lang daw sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag Hindi mo itinigil ang kabaliwang yan. Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga ito ang nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig niyang umalis sa silid na iyon at upang Hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso --- tukso ---- tukso! Sinabi ng dalaga: Hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na Hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-Maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak. 

repleksyon:

dito ipinapakita ng pag iibigan nina cleofe at ni ariel pero noong lumaki na sila sila ay inag hihiwalay na ng kanilang mga magulang para makatapos sila ng pag aaral, at ang akda na ito ay gumamit ng Teoryang Romantisismo 

SA TABI NG DAGAT

     Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
      maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
      di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
      ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
      Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
      na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
      patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
      nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
      Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
      gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
      doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
      hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
      Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
      sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
      Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
      lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...


repleksyon:
dito ipinapakita na hindi lahat ng 
pag mamahalan ay nagtatapos sa maganda

Kahapon Ngayon At Bukas

Kalayaan : ama ni Walangtutol. 

Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas. 

Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya. 

Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika. 

Masunurin : ang babaeng pilipina. 

Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan) 

Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya. 

Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika. 

Asalhayop : ang mapaglilong tagalog. 

HaringBata : ang haring Intsik. 

Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan. 

Halimaw : ang Kastilang pari. 



Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at 
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.





repleksyon:
dito sa kwento na ito ipinapakita ang pag sakop saatin ng mga ibat ibang bansa 
at dito rin ipinapakita ang teyoryang klasisismo

teyoryang pampanitikan

            Teoryang Klasismo/Klasisismo
   v    Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
            Teoryang Realismo
  v      Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
         Teoryang Eksistensyalismo
v  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
             Teoryang Romantisismo
v  Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Teoryang Klasismo/Klasisismo
v    Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
            Teoryang Realismo
    v    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan      ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
           Teoryang Eksistensyalismo
v  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
              Teoryang Romantisismo
v  Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan
.Teoryang Imahismo
v    Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.



repleksyon:
dito ko nalaman na hindi mabubuo ang isang kwento
kung walang mga teyoryang pampanitikan. at mas
lalo pa itong gumaganda.

salamat sa iyo

sariling tula :

maraming salamat sa iyo aking ama
sa lahat ng iyong ibinigay na paalala
lahat ng ito ay nakabisado ko na
kaya sana ikaw ay huwag nang magalala

tiyak, ako ay laging tagumpay
sa mga haharaping pagsubok sa buhay
lahat ng payo mo ay magkakasaysay
para to sayo aking mahal na tatay


reflection log:
kami ay gaumawa ng tula tungkol sa
tulang ang guryon... sa tula ko na ito
ipinapakita ang pagpapasalamat ng
kanyang anak sa kanyang tatay na
nagbibigay ng payo..