Biyernes, Marso 15, 2013

kasaysayan ng isang ina


Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter.
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.
Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan
Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.
Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.
Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.


repleksyon:
sa kabanatang ito ay pinapatunayan na ang kasalanan ng anak ay kasalanan na rin ng kanilang ina, nung pinagbintangan ang mga anak ni crispin sya ang sinisisi ng mga gwardya sibil dahil ito ay kanyanng anak.

ang erehe at filibustero

“Maikling Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4
 Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog. Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.”

Read more about Buod ng Kabanata 4: Erehe at Pilibustero « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-4-erehe-at-pilibustero/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&


repleksyon:
ang tinutukoy dito na erehe at filibustero ay si don rafael, tumuong lang sya ngutit itinuring syang masama ng mga tao

Huwebes, Marso 14, 2013

march 13 2013

nilagyan na namin ng pang pakintab ung ginawa namin painting para gumanda, kalokohan namin pati sapatos namin nilayan namin para kumintab, tapos pinasa na namin kay sir, nung gabe ay nag review ako dahil test nanamin bukas.

march 12 2013

dahil di namin natapos ung painting inuwi ako para ako mag tapos grabe umiral nanaman ug katamadan ko buti nalang di ako tumigil dahil kainlangan na namin bukas, buti natapos ko gabe nga lang pero natapos ko haha.

march 11 2013

itinuloy na namin ang ginagawa naming painting dahil malapit na ang pasahan nito, pero unti lang nagawa namin dahil puro kwentuhan at tawanan bago makagawa ng isabg bagay sa painting, naubusan pa nga kami ng pinturang black dahil sa background 

march 10 2013

pumunta ko kina enriquez para ibigay sa ate nya ung ginawa kong poster,pero bago ako makapunta natakot muna ako sa aso na nakaharang da daanan pappuntang bahay nila nakipag kentuhan muna ako sa kanila tapos umuwi na, dinaanan ko rin si necor nangamusta lang, tapos umuwi na ako.

march 09 2013

inulit ko ung ginagawa kong poster dahil napangitan ako sa una dahil madumi tignann, kaya inulit ko natagalan ako tinamad pa pero natapos ko ung ginagawa ko.