Sabado, Enero 12, 2013

jan. 11, 213

2nd day na ng periodical test, grabe pambungad ung math!! nakakasakit ng mata at utak, nangamote ako doon ah! ung iba tuloy hula lang
nung uwian naman ay tumambay muna kami at nag kwentuhan ng nag kwentuhan!! at nag check ng mga papel ng ibang section. tapos ay inutusan ako ni sir timbal na maningil ng pera para sa yellow pape, na ground pa ako sa isang room grabe tapos ay bumalik na ako at nakipagkwentuhan ulit :))

jan. 10 2013

nagising ako ng maaga para mag review dahil mamaya ay test nanamin!! 5:15 na isa palang na re-review ko , pag punta ko ng school ay sarado pa eh mamaya pa daw bubuksan ung gate 7:30 pa daw kase simula ng test!! nag antay pa tuloy ako :)))
 parang dinugo ung utak ko nung nakita ko ung test sa chemistry!
pero sa dulo matagumpay naman ang test ko! di ako sure kung tama lahat pero at least triny ko:)))

jan. 09, 2013

eto na ang huling araw bago mag test!! wala kaming masyadong ginawa kundi mag review
nung uwian na ay imbis na umuwi ako at mag review, nagtagal pa sa schooll, sinamahan ko muna ang mga stentor kong kaklase dahin ni ru-rush na nila ang kanilang mga article dahil mag lalabas nsa sila ng dyaryo, ewan k ba kung bakit ko sola inaantay ang lapit lang naman ng bahay ko sa school, hanggang sa kanto ko lang naman sila kasabay, 
sa araw araw naming pag uwi ganito lagii ang tema: bye megs!!!! sana maka salubong mo dyan si ______
haha grabe lagi ang atwa ko, kahit ako nalang mag isa ay tuma tawa ako!! para tuloy akong sira ulo  :))

jan. 08, 2013

pag dating ko ipina kita ko agadsa mga stentor kong kaklase ang drawing ko, nagandahan sila:)) natuwa naman ako hahaha
nung uwian naman ay di agad ako umuwi kasama ko ang mga kaklase ko sa kwkwentuhan, naalala ko na malapin na pala ang test namin kaso lang di pa ako makauwi dahil may meeting ng choir
pag uwi ko nag review na ako agad , tapos nanuod ng tv at natulog

jan. 07, 2013

pag gising ko aypapasok na ako sa school naalala ko ay may pinapagawa pala saakin ang stentor na drawing, matagal na nila sakin un pinapagawa pero nakagawa na talaga ako kaso lang kailangan pala may iisang lugar
 pag dating ko sa bahay ay ginawa ko na agad-agad para di mapagalitan ni kuya sarong :)) gabi na ako natapos, bigla naman dumating ung ate ko at nagpapa drawing din saaking para gagamitin nya sa pag tututro ng english para sa mga koreano
pagkatapos ko mag drawing nahiga agadako at nakatulog

jan. 06, 2013

sa araw na to aywala akong ginwa, pag gising nagligpit tapos kumain, tapos pumunta sa bahay ng lola ko, dun nakatiraang pinsan ko wala kaming ginwakundi pag kwentuhan si taylor swift, sumali pa ang asawa ng tito ko, nagulat nga ako gusto nya in pala si taylor eh! hanggang a mag gabe,
umuwi ako taposkumain nanuod ng tv at natulog :))))

jan. 5, 2013

sa araw na ito ay gagala sana kami ng pinsan ko kaso lang di natuloy kase wala syang pera eh!
napag disisyonan nalang namin na ipag patuloy nag aming SIP, pag dating ko doon ay wla pa si enriquez sabi ni necor pumunta daw si enriquez kina gallardo, nag antay pa kami doon ng matagal di kami nakapag angtay nag computer nalang kami ni necor, ilan pang sadali ay dumating na sila at nag hanap na kami ng pag eeksperementuhan, 
tapos di kami nakahanap, umuwi nalang kami , pa dating ko naman sa bahay ay masaya din. kay masaya ang araw ko :)))

jan. 04 2013

lagi nalang ako maagang magising , maaga tuloy akong nakakapunta sa school pag dating ko doon ay medyo umaambon, pag pasok ko ng room syempre nag ingay agad, hanggang sa dumami na kami.
 pag dating naman ng english subjet namin ay iprinisinta namin ang aming FAITH GOALS , sabi ni sir ay pag prinisinta sa harap may dagdag puntos, nang hinayang naman ako kaagad kayaiprinisinta ko kahit nakakahiya, pinag tawanan a ko nung sinabi ko na gusto ko mag ka top. hahaha kahit ako natawa din eh!!
nung uwian na ay masaya din nagkwentuhan miuna bago uwian

january 3, 2013

yehey!!pasukan nanaman, mag sisimula nanaman ang ingay ng 3-1 , papagalitan nanaman kami ng mga teacher namin!
ngayong araw na to masyado akong naging exited ang aga kong gumising ang aga ko tuloy nakarating sa school . pagpasok ko palang kahit kaunti palang kami nag simula na agad ang ingay namin, hanggang dumami na kami ganun paring ang tema ng room namin , nung dumating na ang first subject namin.
pag dating naman ng filipino time ay naging masaya dahil di muna nag turo si ma'am nag tanong una sya saamin kung ano ang bago saamin ngayong bagong taon, grabe nagulat ako nung tinawag nya ako, may sasabihin sana ako kaso lang nakalimutan ko na mental block ako, napahiya tuloy ng unti,tapos pinagawa naman kami activityni ma'am 
nun uwian naman ay naging masaya din dahil di muna ako umiuwi nakipag kwentuhan muna ako sa mga kaklase ko.

Martes, Enero 1, 2013



2013 na yehey!!!! 'sana maging masaya' yan ang lagi kong na babasa sa mga text ng mga kaklase ko,
pero ayan din ung wish ko wala akong new years resolution kasi di naman matutuoad eh!
pagkaapos kumain ay nakatulog na ako at pagising ko ay hapon na at ailangan na namina umuwi medyo nalungkot ako pero ok lang, super nahilo nanaman ako sa pagsakay namin sa ang daming sasakyan nakakainis pa ung katabi ko ang arte ang sarap pukpukin hahaha! pag dating namin sa bahay gabe na at natulog na sila pero ako nanuod pa ng movie sa tv ang ganda kase eh!

dec 31.



yehey mag ne-new year na!!! ngayong araw na ito ay pumunta kami sa cavite ang dami naming sinakyan buti nalang di masyadong traffic . pag ating namin doon ay hapon na at nag hahanda na sila para sa new year. sa bahay ng tita ko sa cavite ay may mga nakilala ako si vince at si john sila ay first year palang pero ang saya nila kausap, tapos nag laro pa kami para akog tanga anko yung pinaka malaki tapos nag lalaro pa ako, pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni ate joy pag dating ko doon nandoon ang ate ko nag pipicture picture sila syempre ako nakisali naman, pag baba ko naman ay kumain ako ng prutas at mga handa nila kain lang ako ng kain at pag katapos aytinawag ako ng tia ko at nag picture ulit kami kasama ang mga pinsan ko galing bicol ang saya pero nitong palapit na ang new year ay umakyat ako sa bubong ng bahay nila ako ay namangha sa aking nakita ang daming fireworks dun ko lang na realize na maganda pala ang fire works dati di ko ito pinapansin, bumaba na ako at baka tamaan pa ako ng paputok, takot ako eh,

dec 30.

nitong araw na ito ay wala akong ginawa nasa bahay lang ako at i makapag computer dahil naubos na ang pera ko kahapon, katulad ng pang araw araw ong ginagawa nanuod nanaman ako ng mga anime, natulog at nag tetext. sa buong bakasyon eto na ata ang pinaka boring na araw.

dec. 29



ngayong araw na ito ay nanuod kami ni na necor at enriquez ng sisterakas madami sana kaming kasama pero di daw sia makakasama ang tagal na naming napag usapan na manunuod kami pero di parin sila nakasama, bago kami nanood pumunta muna ako kia necor at nanuod kami ng showtime pagkatapos noon ay pumunta na kami ng sta. lucia para manud at habang nag lalakad kami ay nakasalubong namin si funcion nilapitan namin sya at nakipag kwentuhan pagkatapos ay nilibre nya kami ng pagkain inaaya namin sya manuod kasama kami pero ayaw nya mamaya na daw sya gabi manunuod para daw maganda pero parang parehas lang naman. pag katapos ay nanuod na kami grabe ang dami naming tawa nakakatawa kasi si vice at si iaia pagkatapos namin manuod ay naglakad lakad muna kami sa mall at naka text ko si cagas , sabi nya ay dapat sinabihan ko daw sya para nakasama sya parang nagalit sya pero sabi nya di naman daw, habang bumibili si necor ng siomai tinaguan namin sya at nakakatawa sya hanap na sya ng hanap sami nasa likod lang naman kami ng poste na katapat ng binibilihan nya. bumili din kami ng maiinom at tumingin kami ng mga damit pagkatapos ay umuwi na kami.

dec. 26,27,28

nitong dec. 26,27,28 ay naging super boring ng araw ko kaya pinag sama sama ko na sa isang page at pareparehas ang nang yari sa umag nag liligpit ako sa bahay pag hapon ay nag cocomputer ako at nanunuod ng anime syempre at gumagawa din ako ng project sa ibat ibang subject.

dec. 25



 ngayong araw na ito ay edy di masaya dahil wala ako masyadong nagawa at pumunta ako a bahoay ng aking tita pag dating ko doon nandoon ang iba kong tito pag pasok ko binigyan nila ako ng pera nakarami rin ako at pagkatapos noon ay wala na akong ginawa at nag computer at manuod ng anime at makipag kwentuhan sa pinsan ko.

dec.24

pag gising ko ay nagligpit ako ng mga kalat at pagkatapos ay pumunta ako sa bahay ng tita ko dahil naka ugalian na namin na dito mag celebrate ng pasko kasama ang mga pinsan ko , nag gabi na at mag sisismula ang pasko nilagay nanamin ang mga regalo sa lamesa pero bago nain iyon buksan ay nag laro muna kami ng kung ano anong laro at pagkatapos ay kumain na kami ng handa at.... binuksan na nami ang mga regalo ok lang naman ang natangap ko, itong paskoomg ito ay hindi mas masaya kesa nung nakaraang taon. :(

dec. 22



etong araw na ito ay boring kaya wala akong asyadong nagawa kaya na nuod nalang ako ng  anime di ko namamalayan ay natapos ko na yung mga episode sa cd kong binili at pag katapos ay dumating ang mama ko, di ko nga alam na umalis sya at sinermunan nya ako ng sinermunan dahil wala akong ginawa kundi manuod ng anime at di ako naglinis ng bahay

dec.22



parang ito ang part two ng montalban trip namin, pag dating ng 3:00 ay umuwi na kami at nakakatakot sa daanan at napaka dili buti nalang ay may roon kaming dalang flash light nag tatakutan pa kami habang nag lalakad sobrang tahimik sa daan at kami lang ang maingay at tinatahulan pa kami ng aso pag dating namin sa kalasada ay wala kaming masakyang kaya nag lakad muna kami at sumakay nalang kami ng taxi, sa sobrang antok ko ay naatulog agad ako pero parang kakapikit ko palang ay nadoon na agad kami sa bahay ng pinsan ko at duon muna ako natulog dahil gabi na para umuwi pa ako sa bahay namin pag gising ko ay 12:00 na grabe pag tayo ko ay ang sakit ng ulo ko at nahihilo ako at pag katapos noon ay nagsimula nang maging boring ang araw ko.