Lunes, Oktubre 15, 2012

anak

Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/f/freddie_aguilar/anak.html ]
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali...

pinagkuhaan: http://www.lyricsmode.com/lyrics/f/freddie_aguilar/#share


repleksyon:

tungkol sa mgulang na labis na nag
aaruga sa kanilang anak, at di nila akalaing
magigigng ganoon o mapapariwara ang kanilang anak.

alibughang anak


Si Jesus ay nagsasabi ng kuwento ng isang tao na may dalawang anak. Ang bunso nagtatanong ng kanyang ama upang bigyan siya ng kaniyang mga bahagi ng mga ari-arian ng pamilya bilang isang maagang mana. Kapag natanggap, anak ang kaagad na set off sa isang mahabang paglalakbay sa isang malayong lupain at magsisimula sa basura ang kanyang kapalaran sa wild buhay. Kapag pera ang naubusan, isang matinding gutom hits ng bansa at ang mga anak na nahahanap ang kanyang sarili sa katakut-takot na pangyayari. Siya ay tumatagal ng isang trabaho baboy na nagsisipanginain. Siya ay kaya walang wala na siya kahit na longs upang kumain ng mga pagkain na nakatalaga sa mga baboy. 

Ang binata sa wakas ay dumating sa kanyang sarili, pagtanda ng kanyang ama. Sa pagpapakumbaba, siya ay kinikilala ang kaniyang kamangmangan, nagpasiya na bumalik sa kanyang ama at humingi ng kapatawaran at awa. Ang ama na ay nanonood at naghihintay, na natatanggap ng kanyang anak pabalik sa buksan armas ng pakikiramay. Siya ay tuwang-tuwa sa pamamagitan ng pagbabalik ng kanyang anak na nawala! Agad ang ama ay lumiliko sa kaniyang mga alipin at humihingi sa kanila upang maghanda ng isang higanteng piyesta sa pagsaulog. 

Samantala, ang mga mas lumang mga anak ay Hindi isa bit masaya kapag siya ay dumating sa mula sa trabaho ang mga patlang at matutuklasan ng isang partido sa pagpunta sa ipagdiwang ang kanyang pagbabalik kapatid na bata's. Ang ama sumusubok na himuking huwag gawin ang isang bagay ng mas lumang kapatid nagseselos galit nagpapaliwanag, "Ikaw ay laging kasama ko, at lahat ng bagay ako ay sa iyo.



repleksyon:

ito ay tungkol sa relasyon ang ama at anak 
sa isat isa.

luha


Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!
II
Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay,
ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan."
III
Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap
IV
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
V
Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha ang aking palad na napakaapi!
VI
Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!

Miyerkules, Oktubre 10, 2012

noli me tangere


Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Buod
Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya “Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na.”
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.



Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Buod
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.



Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Buod
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.



Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Buod
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de EspadaƱa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de EspadaƱa, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.



reflection log:
ang mga kabanata 7,34,54,60 ay ang mhga pangunahing kabanata ang kabanata7 ang simula. kabanat34 ay ang tumitinding galaw. kabanata54 kasukdulan at ang kabanata60 ay ang wakas sa mga kabanatang ito pag nabasa mo ay maiintindihan mo na kaagad ang buong kwento.




Martes, Oktubre 2, 2012

sa lupa ng sariling bayan



Tagpuan: 
San Roque, Quezon City, San Fernando, 

Tauhan: 
Layo - Atty. Pedro Enriquez 
- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na Amain na 

kapatid ng kanyang Ama. 

- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod. 
Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo 
Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio 
Ising - Ang asawa ni Layo 
Fe - Ang Anak ni Layo at Ising 
Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya. 
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry. 

Buod: 

Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata 
Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap 
Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo. 
Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing.

reflection log:
walang sinuman ang di bumabalik sa sariling bayan. :)))

SAAN PATUNGO ANG LANGAY-LANGAYAN?



ni B. S. Medina, Jr.

Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako.

Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari'y lumalaki, at ako'y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa'y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako'y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako'y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?)

Ito ang aking mithi: Paglaya.

At ako'y nagtatanong: Ano ang paglaya?

Ang paglaya'y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya'y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya'y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya'y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili?

Sa salamin, ang larawan ko'y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo'y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno'y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo'y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako'y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang - ang makalaya sa kaalipinan.

Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito'y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito'y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko'y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano?

Sa salamin ay naroon ako.

Ako'y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito'y naganap, nawala ang ligaya, nahalili'y hapis. At ako'y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala.

Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan.

Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki'y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari'y tuluyan nang nawaglit?
Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako'y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko'y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso.
Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba't luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa'y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito'y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo't masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito'y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim.
At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki'y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao.
Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka'y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. ("Huwag ninyong kakainin ito." Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya.
Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw - naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit - naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin - naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito'y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha.
Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba't sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan - nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.).
Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo'y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig ("Hayo at magsupling!") kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis!
Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao.
Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan.
Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso'y napalutang na ako, kasama ang sa aki'y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok - pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito'y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao.
At habang umiinog ang araw - sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo't laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako'y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.).
Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas - tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay.
Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko'y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko'y walang tinig.)
Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa't isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito'y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito'y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya!
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito'y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam.
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.



reflection log:
palayain ang sarili sa mga umaalipin
huwag itong hayaang magyari